HomeCelebritiesRenato Reyes, pumalag sa 21,000 pulis na magbabantay sa SONA: "Waste of...

Renato Reyes, pumalag sa 21,000 pulis na magbabantay sa SONA: “Waste of public funds”

Hindi nagustuhan ni Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) Secretary-General Renato Reyes ang paglalagay ng gobyerno ng mahigit 21,000 security forces sa gitna ng gaganaping State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos.

Sa kanyang tweet, sinabi ni Reyes na tila hindi diumano gusto ng gobyerno na mailahad ng taumbayan ang kanilang mga hinaing at mas gusto na mapalibutan ang buong Batasang Pambansa ng mga pulis.

Tinawag din ni Reyes ang desisyon ng gobyerno na pagsasayang sa pondo ng bayan.

“PNP again does not want people to speak out and air their grievances and demand government to address the same. Why surround Marcos, Jr with 21,000 security personnel? Such a massive waste of public funds. For what? Why so paranoid? Why the Martial Law mentality?” ani Reyes.

screencap 2022 07 21 at 5.28.00 PM
Larawan ng tweet mula kay Renato Reyes Jr.

Inireklamo rin ni Reyes ang hindi pagbibigay sa kanila ng permit para makapag-rally sa Commonwealth Avenue.

Ayon kasi sa Quezon City Government ay hindi maituturing na “freedom park” ang Batasang Pambansa at magiging dahilan lamang ng trapiko ang mga rally nila.

Nagbanta rin ito na idedemanda nila ang pulis na huhulihin ang mga magra-rally sa SONA kahit na walang permit.

screencap 2022 07 21 at 5.29.48 PM

Sa ngayon ay wala pang tugon ang Malacañang sa banat ni Reyes.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular