Home Celebrities Movie about Cory? Joel Lamangan tatapatan ang Maid in Malacañang

Movie about Cory? Joel Lamangan tatapatan ang Maid in Malacañang

0

Inamin ng beteranong direktor na si Joel Lamangan na panonoorin niya ang pelikulang ‘Maid in Malacañang’ na tungkol sa huling 72 oras ng mga Marcos bago sila mapatalsik ng taumbayan.

Ngunit ayon sa kanya ay papanoorin niya lamang ito upang malaman kung may mga maling impormasyon na ipapakita ang pelikula sa mga manonod.

Ayon kay Lamangan ay hindi dapat palampasin ng taumbayan ang ginagawa diumano ng mga Marcos na pagbabago sa kasaysayan.

Ito’y kahit na nilinaw na ng pamilya Marcos na gusto lamang nilang ibahagi ang kanilang kwento kung paano nga ba nila hinarap ang galit ng taumbayan noon.

“Nag-uumpisa na sila. Dapat hindi natin ito palagpasin. Dapat tignan natin ito bilang distortion ng katotohanan,” ani Lamangan.

Upang labanan diumano ang Maid in Malacañang ay handa si Lamangan na gumawa ng pelikulang itatapat dito.

“Hindi kami papayag na puro na lang ‘Maid in Malacañang’ ang gagawin nila. Kuwento naman ng taong bayan ang kailangan natin ipakita,” sabi pa niya.

Hindi naman malaman kung magiging tungkol ba sa People Power noong 1986 o tungkol naman kay dating Pangulong Cory Aquino ang magiging istorya ng nasabing pelikula.

Samantala ay sinagot naman ng kampo ni Yap ang balak ni Lamangan.

“Sino ba naman si Direk Darryl kumpara kay Direk Joel Lamangan, all support po kami sa gagawin nyong pelikula!

pero para talagang matapatan— dapat po panoorin nyo muna sa August 3 in cinemas worldwide,” sabi ng kampo ni Yap.

Isa si Joel Lamangan sa mga nagpakilalang biktima ng martial law ng ama ng kasalukuyang pangulo.

Kwento niya ay noong 16 pa lamang siya ay inilagay na siya sa rehas at pinahirapan.

 

Facebook Comments