HomeCelebritiesMitch Valdes, ikinuwento ang karanasan noo: "I could not express my opinion...

Mitch Valdes, ikinuwento ang karanasan noo: “I could not express my opinion in shows because people disappeared”

Ibinahagi ng singer at actress na si Mitch Valdes ang kanyang naging karanasan noong panahon ni dating pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Sa kanyang Facebook post, ikinuwento ni Valdes ang katakot takot na karanasan niya noong ‘martial law’ kung saan ay makakita lamang diumano siya ng pulis at sundalo ay nanginginig na siya.

Ayon kasi sa kanya ay maraming nawawala noong mga tao dahil sa pagpapahayag nila ng kanilang opinyon.

Ito rin ang naging dahilan kung bakit tikom ang kanyang bibig noon pagdating sa kanyang paniniwala dahil baka siya ay mawala rin.

“I lived thru Martial Law where the mere sight of soldiers or policemen would make my knees quake because people disappeared.” ani Valdes. “I could not express my opinion in shows
because people disappeared.” 

Ngunit umabot daw sa punto na ipinaglaban niya na ang kanyang paniniwala at sumama sa EDSA.

Inaasahan niya naman na posibleng may masamang mangyari sa kanila noon sa kanilang pagra-rally ngunit naging matagumpay naman ito at mapayapa kalaunan.

Tila nagpasaring pa ito kay Direk Darryl Yap na may likha ng Maid in Malacañang at sinabi na hindi nito mababago kung ano ang kanyang naging karanasan noon sa ilalim ng mga Marcos.

Samantala ay may bwelta naman si Yap sa beteranang singer.

“May karapatan ka sa sarili mong opinyon at kamiserablehan, pero tigilan mo ko sa pagtatapang-tapangan mo at gagawin mong bala ang gawa-gawang paninira ng mga gaya mong ipinaglaban ang demokrasya pero di handa sa tunay na kahulugan nito.” banat ni Yap.

“Ang gagaling n’yong umastang tagapangtanggol kayo ng inaagrabyado pero kayo ang numero unong masasangsang ang ugali.” dagdag pa nito.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular