Home Celebrities Dating presidential spox Harry Roque, hinimok si PBBM na ipaglaban ang Sabah

Dating presidential spox Harry Roque, hinimok si PBBM na ipaglaban ang Sabah

0

Hinimok ni dating presidential spokesperson Harry Roque si Pangulong Bongbong Marcos na gumawa ng aksyon upang makuha muli ang Sabah mula sa Malaysia.

Ito’y matapos kilalanin ng French arbitration court nitong Pebrero ang Sultanato ng Sulu bilang siyang nagmamay-ari ng Sabah at kailangan silang bayaran ng Malaysia sa ilalim ng “private lease agreement” na nangyari noong 1878.

Ayon kay Roque ay pinalakas ng nasabing desisyon ang posisyon ng Pilipinas sa pag-angkin sa Sabah.

“We consider the victory of the Sultanate descendants as a victory for the nation. According to the arbitral court, the Sultanate of Sulu is the owner of Sabah. Thus, we can say that Sabah is part of the Philippine territory,” wika ng abogado.

Matatandaan na noong 1962 ay inilipat ng Sultanate of Sulu ang soberanya ng Sabah sa Pilipinas.

Kaya naman ito na ang tamang oras upang magdesisyon ang kasalukuyang administrasyon kung ano nga ba ang kanilang magiging plano sa Sabah.

“I advise our President to clarify whether the country would actively pursue this claim or allow the Sultanate heirs to deal with the Malaysian government in private,” ani Roque.

Sagana sa langis ang Sabah kaya’t maraming Pilipino ang umaasa na makukuha muli ito ng Pilipinas upang hindi na mag-angkat pa ng langis ang bansa.

 

Facebook Comments