HomeCelebritiesBasketball legend mon Fernandez kay Chot Reyes: "Kasi gusto nya sikat agad...

Basketball legend mon Fernandez kay Chot Reyes: “Kasi gusto nya sikat agad siya, yan ang nasa utak niya,”

Matapos ang ilang taon ay nag-viral muli sa social media ang pahayag ng Filipino basketball legend na si Ramon ‘El Presidente’ Fernandez sa coach ng Gilas Pilipinas na si Chot Reyes.

Sa panayam sa kanya noong 2014 ni Snow Badua, sinabi ni Fernandez na sana’y itigil na ng coach ang pag-iisip niya sa kanyang sarili at unahin ang kanyang team na manalo sa mga international basketball games.

“Kung naging humble sana siya from the very beginning, hindi naging ganun ang reaction ng fans sa kanya eh. Kasi gusto nya sikat agad siya, yan ang nasa utak niya. Sarili lang niya ang iniisip niya eh,” ani Fernandez.

Ito ang opinyon ni Fernandez matapos mapanood ang performance ng Gilas noong FIBA Worlds kung saan ay tila mali ang naging diskarte ni Reyes.

“Kaya ako galit na galit. Naaawa ako sa player na for one na nakapagbigay ng serbisyo sa flag and country, blood, sweat and tears nila. Sinira lang niya, lalo na sa mga fans,” sabi ni Fernandez.

“Moral victories, close games doesn’t mean a thing. bottom line: nanalo ka ba, natalo ka ba? ilan ang pinanalo mo?” dagdag niya pa.

Sa ngayon ay nag-viral muli ang mga nasabing pahayag ni Fernandez matapos ang mga nakakadismayang laro ng Gilas Pilipinas sa ilalim ni Reyes.

Matatandaan na matapos ang tatlong dekada ay unang beses na natalo ang Pilipinas para sa Gold sa SEA Games basketball habang bigo rin manalo ang national team laban sa Japan matapos ang mahigit isang dekada.

screencap 2022 07 21 at 10.31.25 PM

Nagbigay naman ng opinyon ang mga netizens sa sinabing ito noon ni Fernandez.

“Let Mon Fernandez handle our national Team MVP has done it time to pass d Torch so we can move on & stop d nonsense of SBP revamp the officials instead of developing we are going backwards.. remove Choke Reyes out in the coaching post or we could bring back coach Rajko if Coach Tab will not come back lots of options are there not just stick to this DRIBBLE DRIVE obsolete system… WC is near where do we start ????” sabi ni Ecnerual Alazal.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular