HomeCelebritiesMaggie Wilson, hindi bibitaw sa 'conjugal properties' nila ni Victor Consunji: "

Maggie Wilson, hindi bibitaw sa ‘conjugal properties’ nila ni Victor Consunji: “

Inanunsyo ng television host at aktres na si Maggie Wilson na hindi niya bibitawan ang mga conjugal properties nila ng kanyang dating partner at legal na asawa na si Victor Consunji.

Ito’y kahit na mayroon na siyang bagong relasyon sa kanyang business partner na si Tim Connor.

“I am ready to fight,” sabi ng dating beauty queen.

Matatandaan na nag umpisang pagusapan sila Wilson at Consunji matapos diumanong subukan palayasin ng mga tauhan ng negosyante ang aktres sa tinitirhan niyang bahay na pagmamay-ari ng VCDC.

Hindi naman umalis ang pamilya ni Wilson sa kanyang tinitirhan na maituturing na conjugal property nila ni COnsunji.

maggie 1

Ayon kay Wilson ay paglabag sa human rights ang ginagawa sa kanya ng asawa niya na idinemanda rin siya ng ‘adultery’.

Pero ayon sa ibinahagi ng aktres ay posibleng kinasuhan lamang siya ni Consunji ng adultery upang mawalan siya ng “claims” sa mga property ng negosyante.

maggie pcw 1658130852

Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng pahayag si Consunji tungkol sa isyu.

Samantala ay nangako naman ang nobyo ni Wilson na hindi ito magsasalita tungkol sa isyu at hahayaan niya na lamang na maayos ng kanyang nobya at ng dati nitong partner ang gusot nila.

Ilang netizens naman ang hinimok si Wilson na huwag ng ipaglaban ang conjugal property nila ng kanyang asawa.

“Maggie don’t run after his properties build your own, it is nice feeling when you achieve something on your own and show someone, you can stand alone without them, have peace in your mind, just fight for your child, no one can take away our child from us, I will not bargain my children over properties and other material things,” sabi ni Gloryjane Allanic.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular