HomeCelebritiesLiza Soberano hindi pinili ni Imee Marcos na maging parte sa Maid...

Liza Soberano hindi pinili ni Imee Marcos na maging parte sa Maid in Malacañang

Mariing itinanggi ng mga bumubuo ng Maid in Malacañang ang kwentong kumakalat sa social media tungkol kay Senador Imee Marcos at aktres na si Liza Soberano.

Matatandaan na kumalat sa social media ang ilang impormasyon na sinubukan diumanong kausapin ni Marcos si Soberano upang ang aktres ang gumanap na Imee sa nasabing pelikula.

Ngunit ang sagot lamang daw ng aktres ay “No way!” na kinainit diumano ng senadora.

darryl 1

Pero ayon sa mismong may likha ng pelikula na si Direk Darryl Yap ay hindi kailanman sinubukan piliin ni Marcos si Soberano.

Iginiit nito na si Christine Reyes talaga ang “personal choice” ng senadora.

Nakikisakay lang daw ang mga ‘Kakampink’ sa kasikatan ng pelikula.

“Maaari namang kumpirmahin o pabulaanan ni Liza Soberano ang ipinakakalat ng mga kakampink na inalok daw siya para gumanap na Imee Marcos.” wika ng direktor.

“Bilang bahagi ng produksyon, nais po naming ipaalam na maliban sa inggit na dulot pa rin ng pagiging talo sa na karaang eleksyon; ang balitang ito ay is. ng tsismis -pink tsimis.” dagdag pa nila.

darryl yap 2

Sa ngayon ay wala pang tugon si Soberano tungkol sa pagkalat ng nasabing kwento.

Inaasahan na ipapalabas na ang Maid in Malacañang sa mga sinehan sa darating na Agosto 3.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular