Home Celebrities Isang abogado binatikos si Chot Reyes: “That’s what you get with Dilawans in any profession,”

Isang abogado binatikos si Chot Reyes: “That’s what you get with Dilawans in any profession,”

0

Inuulan ngayon ng batikos ang Gilas Pilipinas coach na si Chot Reyes dahil sa mga record-breaking na pagkatalo ng national basketball team sa Indonesia at Japan.

Matatandaan na sa ilalim ni Reyes natalo ang Pilipinas sa Indonesia matapos ang tatlong dekada, habang bigo namang manalo ang bansa sa Japan matapos ang mahigit isang dekada.

Sa kanyang Facebook post, isang abogado ang hindi napigilan batikusin si Reyes at inungkat pa nito ang pagiging tagasuporta ng coach kay dating Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Atty. Darwin Cañete ay ito daw ang isa sa mga katangian ng mga tagasuporta ni Robredo, ang unahin ang pagsasalita bago ang kanilang trabaho.

Habang natututo rin diumano si Reyes na mahilig gawing dahilan ang “learning experience” ay ang nagbabayad naman nito ay ang mismong Gilas.

“Choke Reyes is learning championship basketball. Our national team is paying the tuition in losses. That’s what you get with Dilawans in any profession. Nauuna yabang bago trabaho… Palpak naman.” ani Cañete.

Ilang netizen naman ang nagbigay ng kanilang opinyon tungkol kay Reyes.

“They are purposely tanking international competition para bumaba ranking ng pinas, titigil yung mga ibang bansa na kumuha ng talent sa pinas at maiwasan mawala ang PBA.” sabi ni netizen Midas Hands.

“All promises, planning and theory.. without results,” wika ni Dave Dc.

Nitong Martes, Hulyo 19 ay humingi ng tawad si Reyes sa mga basketball fans dahil sa bigong makapasok sa Top 8 ang Gilas sa FIBA Asia Cup.

Ito ang unang beses na hindi nakapasok ang Pilipinas sa Top 8 sa loob ng 15 na taon.

“We brought a very young team here and the experience is just going to make them better. To be able to be exposed to the kind of intensity and level of play here at the Asia Cup,” sabi ni Reyes.

Facebook Comments