Home Celebrities Direk Manny Castañeda sa mga kritiko ng Maid in Malacañang: “Parang natatakot ang mga anti-Marcos sa project na ‘to”

Direk Manny Castañeda sa mga kritiko ng Maid in Malacañang: “Parang natatakot ang mga anti-Marcos sa project na ‘to”

0

Ibinahagi ng tanyag na direktor na si Manuel “Manny” Castañeda ang kanyang opinyon tungkol sa pelikulang ‘Maid in Malacañang’.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Castañeda na dapat ay bigyan ng pagkakataon ang pamilya Marcos na ibahagi ang sarili nilang istorya sa pamamagitan ng nasabing pelikula.

Ang Maid in Malacañang ay tungkol sa huling tatlong araw ng mga Marcos sa palasyo bago sila mapatalsik ng taumbayan.

Ayon kay Castañeda ay maituturing na interesante ang magiging kwento ng mga Marcos tungkol sa kung paano nila hinarap ang pagkadismaya ng publiko noong mga panahon na ‘yon.

“Let us admit it. Up to this very day, we know very little of what happened inside Malacanang at the height of the “people power revolution”.” wika ng direktor.

“They say “Maid in Malacanang” focuses on that particular time frame inside the palace, how Pres Marcos handled the situation and the interaction among the members of the family under extreme pressure.” dagdag pa niya.

Nagtataka naman ito dahil sa hindi pa man ipinapalabas ang nasabing pelikula ay madami ng binabatikos ito.

“I am just so amused that some anti Marcos advocates are already so apprehensive and defensive when not much has been presented to us to merit such adverse reactions. It even has come to a point that they have attacked the actors involved in the project at a very personal level.” aniya.

“Removing all biases, I am more than eager to listen to their side of the story. It’s about time we get to know more information and maybe create a more detailed picture of the historical event. So, lets give them the chance to speak.” sabi pa niya.

May malaking katanungan din ito bago niya tapusin ang kanyang post.

“Nagtataka lang ako kung bakit sobrang galit at parang natatakot ang mga anti Marcos sa project na ito. May dapat ba silang katakutan?” tanong pa ng direktor.

Sa ngayon ay mayroon ng mahigit 1,200 reaction ang nasabing post.

Facebook Comments