Home Celebrities DDS Blogger na si Atty. Bruce Rivera, kritikal ang kondisyon at comatose

DDS Blogger na si Atty. Bruce Rivera, kritikal ang kondisyon at comatose

0

Humihingi ngayon ng dasal ang pamilya at kaibigan ni Atty. Bruce Rivera matapos ma comatose ang kilalang DDS blogger.

Kinumpirma ni MJ Quiambao Reyes, isa sa mga kaibigan ni Rivera ang kondisyon ng abogado.

“Nasa ospital po siya, he’s in coma… Kaya medyo hindi maganda… we need your prayers, tulungan niyo po kami,” ani Reyes.

“We storm the heavens with prayer na sana makarecover si Bruce.” dagdag niya pa.

Ayon kay Quiambao ay nitong Hulyo 19 pa nila nalaman ang kondisyon ng abogado ngunit hinintay muna nila na malaman ito ng buong pamilya Rivera.

Wala na diumanong malay si Rivera ng dalhin ito sa ospital nitong Martes ng umaga.

Nabanggit din nito na mayroong aneurysm na nangyari kay Rivera na maituturing na delikado.

Kinakailangan ding operahan ang abogado, ngunit ang magdedesisyon nito ay ang kanyang pamilya.

Nakilala si Rivera sa kanyang pagtatanggol kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Malapit din siyang kaibigan ni Vice President Sara Duterte.

Napakinggan din siya sa radyo sa programang “Boljak” kasama si Atty. Jesus Falcis.

Inulan naman ng dasal si Rivera mula sa mga netizens.

“Prayers for you Atty. Bruce. May God lay His healing hands upon you.” komento ng isang netizen
“Oh Lord my God, please grant the complete healing of Atty Bruce Villafuerte Rivera. In the mighty name of Jesus. Amen.” komento pa ng isa.

Facebook Comments