Home Social Media Babae nagbunganga sa loob ng jeep: “Kanina pa ako naghihintay!”

Babae nagbunganga sa loob ng jeep: “Kanina pa ako naghihintay!”

0

Usap-usapan ngayon sa social media ang isang babae na nagwala sa loob ng isang jeep dahil sa pagkainip nito sa patigil tigil na pagpapatakbo ng driver.

Sa post na ibinahagi ng Facebook page na VISOR, makikita ang babae na tinanggal pa ang kanyang face mask upang bungangaan ang driver.

“Kuya ire-record kita anong oras na, kanina pa ako dito ang tagal tagal mo,” paumpisa ng babae. “Ano to may plano kang patagalin, ilang oras na oh,” 

“Diyos ko, susmaryosep kuya may mga plano ka din ha? Wag mong isakay lahat ha, may mga plano din ako,” dagdag niya pa.

“Mga mukha kayong pera, ang kakapal ng mukha niyo,” sabi pa nito.

Nakakuha naman ng iba’t ibang reaksyon sa social media ang nasabing babae na hindi pa nakikilala sa ngayon.

“Good luck na lang teh sa mga plano mo sa buhay. Planuhin mo next time na magbyahe ng maaga hype ka,” sabi ni Arvin Mendoza.

“Bili ka NG sariling car mo ateng, kung nag mama Dali ka jeep Ata nasakyan mo,” komento ni Andrew Cruz.

“Para saan pa kaya nagtatrabaho si kuya? Para lang maihatid ka? Are we living in the same world? Do you know how much diesel costs right now? If you can’t afford a private car or hail a private car service then get off your high horse and shut up. This is a public utility jeepney. It can fit 20 people and if the driver wants to, he could.” wika pa ni Adee Akiyama.

 

Facebook Comments