Home Social Media Alan Peter Cayetano kay PBBM: “Tapos na ‘yung period na may nagmumura tayong pangulo”

Alan Peter Cayetano kay PBBM: “Tapos na ‘yung period na may nagmumura tayong pangulo”

0

Tila nagpasaring si Senador Alan Peter Cayetano sa kanyang dating ka-tandem na si dating pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang mensahe kay Pangulong Bongbong Marcos Jr. ay sinabi ni Cayetano na inaasahan niya na babalik na sa tamang pag-uugali at pananalita ang mga taumbayan.

Tila ito ang unang beses na binatikos ni Cayetano ang pagmumura ng dating pangulo.

“Etiquette sa social media. Do we really have a curriculum o module man lang? Have we come together to say na ‘Okay guys, hindi okay magmura.’ Tapos na yung period na may nagmumura tayong pangulo,” ani Cayetano.

Sinabi rin nito na handa siyang makipagtulungan sa bagong administrasyon.

“Isa pang challenge is to stop the division… Hanggang ngayon, meron pa ring hindi nakaka-move on after the elections. The issues are there… but time to work together,”  sabi pa ni Cayetano.

Gusto rin nitong marinig sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Marcos ang mga problema ng bansa at ang mga solusyon na maari nilang magawa.

Matatandaan na si Duterte at Cayetano ay malapit na magka-alyado noon.

Samantala ay isa sa mga kilalang kritiko ni Marcos si Cayetano na inakusahan siya noon ng pagiging kurakot.

Sa ngayon ay wala pang tugon si PBBM at Citizen Duterte sa mensahe ni Cayetano.

Facebook Comments