Home Celebrities Sports writer na si Snow Badua, may open letter kay Chot Reyes: “World Cup na po next year, nag-aaral pa rin tayo”

Sports writer na si Snow Badua, may open letter kay Chot Reyes: “World Cup na po next year, nag-aaral pa rin tayo”

0

Hindi na napigilan ng kilalang sports journalist na si Snow Badua na ilabas ang kanyang pagkadismaya sa ginagawa ng Gilas Pilipinas Coach na si Chot Reyes.

Matatandaan kasi na ilang nakakadismayang laro ang nangyari sa national basketball team kasama na dito ang unang pagkatalo ng Pilipinas sa Indonesia matapos ang tatlong dekada.

Nitong Hulyo 19 naman ay natalo nanaman ang Pilipinas sa Japan matapos ang 12 na taon.

Dahil dito ay nag-viral muli sa social media ang open letter ni Badua.

“Wag nyo po sabihing learning process pa rin yung laro kagabi. Di naman po kami grade 1. We were supposed to win that game, 54 sila sa Fiba, 33 tayo. World Cup na po next year, nag-aaral pa rin tayo?” banat ni Badua.
“Di ko po sinasabing hindi ninyo kaya dyan, pero ang dami nang heartbreaks ng mga Pinoy fans. Unti-unti nang nauubos ang confidence nila sa team, wag nyong hayaang masaed pa yun.” dagdag niya pa.
Ayon kay Badua ay dala ni Reyes ang buong Pilipinas kaya naman sana’y umalis na lamang ito sa Gilas kung puro pagkadismaya lamang ang ibibigay nito sa mga fans.
“Wag po kayong magalit, may sukatan lang kasi kami na binabatayan, malayong-malayo po ito sa tinatakbo ngayon ng pambansang koponan.” sabi niya pa.
Umabot ng mahigit 23,000 reaction at 7,000 shares ang nasabing post.
Samantala ay ibinahagi din ni Badua na ilang opisyal na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (BSP) ang tila nararamdaman na ang pagkadismaya ng publiko sa ipinapakita ni Chot.
Hindi naman malaman kung ano ang magiging susunod na hakbang ng organisasyon ngayong natalo ang Pilipinas sa Japan.
Facebook Comments