HomeCelebritiesSec. Erwin Tulfo, dinisiplina ang limang staff ng DSWD na hindi sumasagot...

Sec. Erwin Tulfo, dinisiplina ang limang staff ng DSWD na hindi sumasagot sa hotline

Limang trabahador ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nakatikim ng sermon mula kay Sec. Erwin Tulfo.

Ito’y matapos ireklamo ang hindi pagsagot ng mga nasabing staff sa hotline ng DSWD kung saan tumatawag ang mga sana’y humihingi ng tulong sa kanila.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Tulfo na mawawalan ng saysay ang mga hotline ng DSWD kung hindi naman ito sinasagot ng mga staff.

“Reprimand at warning sa limang kasama natin sa hotline operations dahil hindi po kasi nila sinasagot ang mga tawag sa hotlines. Ano pa pong silbi ng mga hotlines kung wala namang sasagot,” ani Tulfo.

Maliban sa limang nakatoka sa hotline ay may dalawa pang empleyado ng DSWD ang suspendido dahil sa pagpapakita nila ng masamang ugali sa mga humihingi sa kanila ng tulong.

Matatandaan na nangako si Tulfo na aalisin niya sa DSWD ang mga masusungit nilang empleyado.

“Simula po ngayong araw, ayoko na pong makarinig ng tinarayan, sinigawan, o binastos ng empleyado natin ang mga lumalapit sa ating ahensya para humingi ng tulong. Suspensyon po ang katapat nito,” ani Tulfo.

“Tratuhin po natin nang maayos at alagaan ang mga klyente o mga customer natin na mga ito,” dagdag niya pa.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular