HomeCelebritiesRowena Guanzon pabor sa isang mungkahi ni Robin Padilla: "All laws and...

Rowena Guanzon pabor sa isang mungkahi ni Robin Padilla: “All laws and court orders must have Filipino translation,”

Sa pambihirang pagkakataon ay nagbigay ng positibong komento si P3PWD at dating Commission on Elections (COMELEC) commissioner Rowena Guanzon kay Sen. Robinhood Padilla.

Matatandaan na isa sa mga mungkahi at isinusulong ngayon ni Padilla ay ang pagsasalin ng mga batas at mga desisyon ng korte sa salitang Filipino upang maintindihan ito ng mga pangkaraniwang tao.

“Sa karanasan ko po, hindi nagagamit yung Filipino, laging English lang. Katulad sa batas natin ‘pag lumalabas ang batas natin, English. ‘Pag sa korte, ‘pag nasentensyahan ang tao, English ang binabasa,” paliwanag ni Paidilla.

“Parang hindi patas para doon sa mga kababayan natin na ‘di ko naman sinasabing hindi nakakaintindi ng English ano, kundi masyado kasing yung may kinalaman sa batas, yung mga English niyan masyadong hindi mo talaga din maitindihan. Kailangan na talagang magkaroon ng parehas na pagtrato sa salitang Filipino at English,” dagdag pa nito.

Sa kanyang tweet naman ay pumabor si Guanzon sa sinabing ito ni Padilla.

“I agree with Sen. Robinhood, all laws and court orders must have Filipino translation.” sabi ni Guanzon.

screencap 2022 07 19 at 4.49.19 PM

Hindi pa nagbibigay ng tugon si Padilla kay Guanzon.

Matatandaan na hindi maganda ang naging palitan ng mensahe noon sa pagitan ng dalawa.

Nitong Pebrero 2022 ay sinabi ni Guanzon na hindi niya iboboto si Padilla dahil sa opinyon nito tungkol sa EJK.

Sinagot naman ito ni Padilla at sinabi na hindi niya naman hinihingi ang boto ni Guanzon.

READ MORE: Robin Padilla may maanghang na banat kay Rowena Guanzon: “Hindi ko hinihingi ang boto mo!”

“Nakakatuwa naman ang retired comelec official na ito na lumabag sa mismong mga patakaran ng korte at nageskandalo sa labas ng comelec at siniraan ang kanyang pinagsilbihan ng ilang taon. Ito Ang mga halimbawa ng grand standing,” ani Padilla.

Tinawag namang “Low IQ” ni Guanzon ang aktor at ngayo’y senador.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular