HomeCelebritiesRita Avila sa mga kritiko ni Leni: "Bakit pilit nilulubog ang pag-aangat...

Rita Avila sa mga kritiko ni Leni: “Bakit pilit nilulubog ang pag-aangat sa buhay ng mga Pilipino?”

Naglabas ng sama ng loob ang aktres na si Rita Avila sa walang tigil na pambabatikos ng mga netizens kay dating Vice President Leni Robredo at sa kanyang NGO na Angat Buhay.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Avila ang isang larawan ni Robredo kalakip ang mensahe niya kung saan ikinalulungkot nito ang paghatak sa baba ng mga kritiko ng dating bise.

Eto ang kanyang mensahe:

“May pilit na nag-AANGAT, may pilit din na nag-LULUBOG.

“Bakit pilit nilulubog ang pag-aangat sa buhay ng mga Pilipino?

“Bakit pilit na hinahanapan ng mali ang maliwanag na tama samantalang ang maliwanag na mali ay hindi makita?

Iba na ang panahon ano?
Ang katotohanan ang kasinungalingan.
Ang kasinungalingan ay katotohanan.

Ang pandemya ay hindi man lang naging paala-ala sa atin na ipagbuti ang katawan at kaluluwa.

Ooops, di ako 100% na mabuti. Pero mas maganda naman kung 60% ang mabuti sa atin kesa 60% ang masama.

May pag-asa pa. Meron pa. Sana kasama ka sa mag-aangat.

Matatandaan na inaakusahan ang Angat Buhay na nakikipag-alyado sa mga miyembro ng komunistang grupo.

“The people behind the Angat Buhay is CPP-NPA-NDF. In fact, they are now on social media, mga nanay na naghahanap ng mga anak nila, na wala na, wala na, hindi na nila makita, at ito ‘yung mga sumali ng Leni Youth,” ani dating NFT-ELCAC spokesperson Lorraine Badoy.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular