Home Celebrities Jover Laurio o Pinoy Ako Blog, nag public apology kay Sass Sasot: “Sana mapatawad mo ako”

Jover Laurio o Pinoy Ako Blog, nag public apology kay Sass Sasot: “Sana mapatawad mo ako”

0

Nagbigay ng public apology ang blogger na si Jover Laurio o mas kilala bilang si Pinoy Ako Blog sa international relations expert na si Sass Rogando Sasot.

Matatandaan na noong 2017 ay inakusahan ni Laurio si Sasot ng diumano’y pagbebenta ng laman sa Netherlands.

Itinanggi naman ito ni Sasot at kinasuhan si Laurio ng libel upang mapatunayan sa korte na mali ang akusasyon ng blogger.

Matapos ang halos apat na taon ay tila itinaas na ni Laurio ang puting bandera at inamin na walang basehan ang kanyang mga sinabi laban kay Sasot.

“Kahit wala akong matibay na basehan sa pagsabi nito. Ngayon alam kong hindi ito totoo. Humihingi din ako ng tawad sa lahat ng sakit, kahihiyan, at anumang pagdurusang naranasan mo dulot ng pagsulat ko ng post na yun.” ani Laurio.

“Gusto ko ring humingi ng tawad sa pamilya mo. Lalo na sa Mama mo, kay Ma’am Melba Sasot. Alam ko na sa bawat sakit na nararamdaman ng anak mas doble pagdating sa ina nila.” dagdag niya pa.

“Sana mapatawad mo ako sa lahat ng sakit na naranasan mo dahil sa post na yun. I’ve learned from my mistake and I promise that this will not happen again.”

Larawan mula kay Jover Laurio

Tinanggap naman agad ni Sasot ang paghingi ng tawad ni Laurio para narin sa kapakanan ng anak ng blogger.

“First of all, I would like to extend my gratitude to the Honorable Judge Jaime Santiago whose wisdom guided us all throughout the libel case I filed versus Ms Jover Laurio. Judge Santiago’s sagacity helped us reach a closure to this case. When faced between the way of grace and the way of ego, one must always choose the one that would make us #KeepAscending,” sabi ni Sasot.

“I am accepting Ms Laurio’s apology and I wish her all the best in life and a bright future for her child.” dagdag pa niya.

Pinuri naman ng mga netizens ang desisyon ng dalawa na tapusin na ang kanilang sigalot.

 

Facebook Comments