HomeCelebritiesInt'l relations expert, ibinunyag ang pagiging kakampink ng Historian na si Ambeth...

Int’l relations expert, ibinunyag ang pagiging kakampink ng Historian na si Ambeth Ocampo

Isa sa mga personalidad na pinag-uusapan ngayon ay ang historian na si Ambeth Ocampo na matatandaan na inuulan ng batikos sa social media dahil sa kanyang pangangaral sa aktres na si Ella Cruz.

Tila hindi naman umatras sa laban si Ocampo dahil sa ipinagpatuloy parin nito ang kanyang pagtatama sa mga impormasyon na ipinapakalat sa social media patungkol sa kasaysayan partikular sa pamilya Marcos.

Dahil dito ay pati ang sinuportahan nitong kandidato noong nakaraang halalan ay naungkat.

Sa isang Facebook post ay ibinahagi ng International Relations Expert na si Sass Rogando Sasot na isa palang miyembro ng Kakampink si Ocampo na ang hiling noon ay maulit ang kasaysayan kung saan ay natalo ni dating Vice President Leni Robredo si Pangulong Bongbong Marcos noong 2016.

“Let’s repeat History 2016-2022. Leni WON. Marcos LOST. Marcos LOST he was not cheated. Natalo si Marcos di sya dinaya.” sabi ni Ocampo sa kanyang post.

Sa kasamaang palad ay hindi natupad ang hiling ng historian dahil sa pagkakataong ito ay natalo ni Marcos si Robredo.

screencap 2022 07 20 at 4.05.27 AM
Larawan mula kay Sass Rogando Sasot

“History indeed repeated itself: Mamshie got almost the same number of votes.” ani Sasot.

Ilang netizens naman ang nagbigay ng kanilang reaksyon kung bakit hindi naulit ang kasaysayan katulad ng hiling sana ni Ocampo.

“The Filipino people are smarter than people give us credit for, hence, we now LEARN from history rather than repeat it. As such, we have the 2022 election results.” sabi ni Ray Lim.

“Yes history repeated itself, and corrected the mistake in the process. The real winner is now our President – PBBM. Peace.” komento ni Wil Macaloyos.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular