HomeCelebritiesAJ Raval, nagdadalang tao at si Aljur ang ama: "Ipupusta po natin...

AJ Raval, nagdadalang tao at si Aljur ang ama: “Ipupusta po natin ng syento porsyento”

Handa diumanong makipagpustahan si Cristy Fermin na nagdadalang tao ang aktres na si AJ Raval.

Ang ama ng diumano’y dinadala ni AJ ay ang rumored boyfriend nito na si Aljur Abrenica.

Sa kanyang programa na “Showbiz Now Na” ay inanunsyo ni Cristy ang pagdadalang tao ng aktres.

“Ito naman ay bibitiwan natin at ito naman ay ipupusta natin ng syento porsyento. Totoo po mga ka-chika, nagdadalang-tao po si AJ Raval,” ani Cristy.

aj aljur 1

Hindi naman maiwasan na mag-alala ni ‘Nay Cristy lalo na’t legal paring kasal si Aljur at ang dati nitong partner na si Kylie Padilla.

Posible kasing lumabag sa batas si Aljur kung sakali na mapatunayan na mayroon siyang relasyon sa ibang babae.

“Yung paninindigan tungkol sa pagkakaanak, alam kong lalaking lalaki si Aljur. Kaya niya yan, pananagutan niya ang kanilang produkto ni AJ. Ang nakaka-nerbyos, baka mamaya, may magsulsol kay Kylie Padilla. Hindi pa napapawalang-bisa ang kasal nila,” wika niya.

Ayon sa kanya ay hindi makakapagsinungaling sa kanya ang kinuhanan niya ng impormasyon.

“Hindi po kasi makapagsisinungaling ang mga taong malapit sa kanila, na aming source tungkol sa isyung ito. Totoo po na nagdadalang-tao si AJ.” sabi pa niya.

Ito diumano ang dahilan kung bakit biglang tumigil ang mga projects ni AJ.

Matatandaan na nitong nakaraang buwan ay inilabas ng mga kolumnista ang diumano’y pagbubuntis ni AJ.

Nanghinayang naman sila dahil sa tila nagaya ni AJ si Kylie na nabuntis din sa gitna ng kanyang papausbong pa lamang na career.

Inuna nito ang kanyang puso kesa sa magandang takbo ng kanyang showbiz career,” sabi ng isang kolumnista.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular