HomeCelebrities1.3 milyong beneficiary, tanggal na sa 4Ps ayon kay Sec. Erwin Tulfo...

1.3 milyong beneficiary, tanggal na sa 4Ps ayon kay Sec. Erwin Tulfo dahil sa hindi na sila maituturing na mahirap

Ibinunyag ni Sec. Erwin Tulfo na aabot sa 1.3 milyon na beneficiary ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang tanggal na sa listahan.

Ito ang ibinahagi ni Tulfo sa cabinet meeting nila nitong Martes, Hulyo 19.

Ayon kasi kay Tulfo ay hindi na maituturing pang mahirap para sila ay makatanggap pa ng tulong mula sa gobyerno.

Dahil dito ay makakatipid ng 15-B ang gobyerno at mabibigyan din ng pagkakataon ang libo libong Pilipino na totoong mahirap para maging beneficiary.

Matatandaan na isa sa mga misyon ni Tulfo ang tanggalin ang mga nasa 4Ps na hindi na kwalipikado.

Pinag-aaralan din nila na bigyan ng pabuya ang mga magbibigay ng impormasyon sa kanila tungkol sa mga iba pang hindi qualified na beneficiary ng 4Ps.

Inaasahan na lalabas pa lamang ang reaksyon ng mga natanggal sa mga susunod na araw.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular