HomeUncategorizedTikToker na nagsunog ng 20 peso bill para sa 'content' posibleng makulong...

TikToker na nagsunog ng 20 peso bill para sa ‘content’ posibleng makulong ng limang taon

Hanggang limang taong pagkakakulong ang posibleng naghihintay sa isang ‘TikToker’ matapos nitong sunugin ang isang 20-peso bill bilang content niya sa nasabing social media platform.

Ito’y matapos pormal na kasuhan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Philippine National Police (PNP) ang nasabing influencer dahil sa pagsusunog niya ng pera na ipinagmalaki niya pa sa social media.

Sa panayam ng Strategic Communication and Advocacy Managing Direktor ng BSP na si Antonio “Tony” Lambino II ay pormal na nilang isinampa ang kaso laban sa TikToker.

Ginawa nila ito bilang paalala na hindi maaring sadyang sirain ng sinuman ang pera.

“‘Wag lang po natin sadyaing sirain ang ating salapi dahil ‘yan po ang bawal,” ani Lambino.

Pinaalala din ni Lambino na mahigpit na ipinagbabawal ang pag ‘stapler’ ng mga pera ngunit maari parin itong tanggapin sa mga transaksyon.

“Possession and use of stapled bills, hindi po ‘yan illegal. Dapat tanggapin pa rin ang stapled bills at pwede pa rin pong gamitin sa mga pang araw araw na transaksyon,” sabi ng direktor.

“Igiit na lang natin, sana pangalagaan natin ang ating salapi. Let us take care of our bills and our coins,” dagdag niya pa.

Ayon sa batas ay maaring makulong ng hanggang limang taon ang sinuman na sadyang sisirain ang mga coins o bank notes na ipinapakalat sa buong bansa.

Pagbabayarin din ang mga lumabag dito ng hindi hihigit sa P20,000.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang nasabing TikToker sa kanyang nagawang kamalian na nagbigay sa kanya ngayon ng patong patong na sakit ng ulo.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular