HomeCelebritiesGuro na tinawag na 'buang' si Rowena Guanzon, humingi ng paumanhin matapos...

Guro na tinawag na ‘buang’ si Rowena Guanzon, humingi ng paumanhin matapos ipahanap ng kongresista

Isang guro ang tila bumaliktad sa kanyang binitawang komento laban kay P3PWD Rep. Rowena Guanzon.

Sa isang post sa social media, tinawag ng guro na si Alex Abad si Guanzon bilang ‘BUANGZON’ at hinimok nito ang mga netizen na itulak ang kongresista.

Nagkomento si Abad sa Facebook post ni Guanzon kung saan ay nagha-harvest ito ng kanyang mga isda.

“Itulak nyo yang BUANGZON na yan,” sabi ng guro.

buangzon 1

Nakita naman ito ng mambabatas at ipinahanap kagad ang nasabing guro.

“Saang school nagtuturo?” tanong ng kongresista.

Agad naman humingi ng kapatawaran si Abad at sinabi na ‘idol’ niya ang mambabatas.

Paliwanag niya ay hindi siya ang may gamit ng kanyang Facebook kundi ang pamangkin niya ng magbigay siya ng nasabing komento laban kay Guanzon.

“Mam sorry po, hindi ko po intention na magsabi ng ganyan mam kasi unang-unang idol po kita mam.. I admire your bravery Mam Rowena Guanzon sana patawarin mo ako sa nasabi ko Mam.” sabi ni Alex Abad.

buangzon 2

Kalaunan ay pinatawad naman ni Guanzon ang guro ngunit hindi parin naiwasan ng kongresista na banggitin kung saang eskwelahan ito nagtuturo.

“Madali naman tayo kausap kaya apology accepted! You are teacher in Immaculate Heart of Mary, so always act with kindness.” ani Guanzon.

293329478 5640678415953541 2218158356768929792 n

Matatandaan na usap-usapan ngayon si Guanzon sa social media dahil sa kanyang pakikipagtalo sa iba’t ibang personalidad katulad nila Ruffa Gutierrez at Annabelle Rama.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular