Home Celebrities Gina Pareño naiyak dahil nami-miss na ang pag-acting: Kunin niyo naman ako sa project niyo

Gina Pareño naiyak dahil nami-miss na ang pag-acting: Kunin niyo naman ako sa project niyo

0

Hindi napigilan ng beteranang aktres na si Gina Pareño na maluha dahil sa tila kawalan nito ng proyekto.

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, ibinahagi ng 74-anyos na aktres na sobrang naapektuhan na ang kanyang mental health dahil sa hindi na siya nakakakuha ng proyekto sa showbusiness.

“Gusto ko pa umarte. Nakakaloka ang hindi umarte,” sabi ni Pareño.

Hindi rin pinalampas ni Pareño ang pagkakataon na gamitin ang show ni Diaz upang makahingi ng tulong sa mga kasamahan niya sa showbiz.

“Uy! Alukin naman ninyo ako. Kunin naman niyo ko, sige na. Kasi pag sa kwarto ako aarte, alam mo sa kwarto… Aarte-arte ako, baka mauwi ako sa mental nito,” sabi pa niya.

Kwento pa nito ay wala siyang pinagkaka-abalahan ngayon kaya naman ang ginagawa niya na lamang ay kausapin ang sarili niya.

Isa si Pareño sa mga pinakakilalang aktres na nakakuha ng iba’t ibang award dahil sa kanyang galing sa pag-arte.

Aktibo na ito sa pag-arte noong 1960s pa kaya’t hindi naman masisisi kung hanapin talaga ng aktres ang pagta-trabaho sa harap ng camera.

“Gusto ko pang umarte, gusto ko ‘yung panonoorin ako ng tao, gutom na gutom ako sa ganu’n,” ani Pareño.

Samantala ay parte naman ang aktres ng programang Lolong ng GMA Network.

 

Facebook Comments