Home Celebrities Enchong Dee, sinabing natuto siyang magtipid dahil narin sa ‘inflation’

Enchong Dee, sinabing natuto siyang magtipid dahil narin sa ‘inflation’

0

Ibinahagi ng aktor at host ng Pinoy Big Brother na si Enchong Dee na natuto siyang magtipid sa gitna ng pagtaas ng mga bilihin dahil narin sa ‘inflation’ na nangyayari ngayon sa bansa.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Enchong na mas natuto na siya ngayong magbudget at natuto narin siyang mamalengke.

Dahil dito ay gumagastos na lamang siya ng P625 para sa mga kakailanganin niya sa kanyang bahay.

“I’m learning to budget myself better😁 I went to one of my favorite weekend market, nabili ko yung mga kailangan ko sa bahay at may kasama pang dessert. Lahat to sa halagang ₱625,” ani ENchong.

“Sharing your #budgetarian moves can help ease the inflation we’re all experiencing. Let me know how you guys spend your hard earned money pagdating sa grocery,” dagdag niya pa.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Enchong Dee (@mr_enchongdee)

Maliban sa inflation ay humaharap sa mas mabigat na problema ngayon si Enchong dahil sa kinakaharap niyang kaso kung saan ay gusto siyang pagbayarin ng isang bilyong piso ng complainant.

Nitong nakaraang taon ay idinemanda si Enchong ni DUMPER party-list Rep. Claudine Bautista dahil sa post ng aktor tungkol sa kasal ng mambabatas.

Hindi naman malaman kung papayag bang makipag-ayos si Bautista kay Enchong.

READ MORE: Kongresista na nagsampa ng P1-B libel case kay Enchong Dee, may tanong sa publiko: “Gusto niyo ba pasayawin natin siya dito?”

Matatandaan na tila nagbigay na ng senyales si Bautista na handa na siyang patawarin si Enchong matapos nitong tanungin ang kanyang mga tagasuporta kung payag ba silang pasayawin na lamang ang aktor sa mga rally nila.

 

Facebook Comments