HomeCelebritiesDerek Ramsay sa pagpapalit ng pangalan ng NAIA: "I think we should...

Derek Ramsay sa pagpapalit ng pangalan ng NAIA: “I think we should focus more on making our airport something we can be proud of,”

Nagbigay ng kanyang opinyon ang aktor na si Derek Ramsay sa mga panukala na ipangalan kay dating pangulong Ferdinand Marcos Sr. ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Matatandaan na isinusulong ng kongresista na si Arnolfo Teves Jr. na baguhin na ang pangalan ng NAIA at ipangalan ito sa diumano’y pangulo na nagpaganda dito.

“This project was done during the time of the presidency of Ferdinand Marcos Sr.,” ani Teves Jr.

“It is more appropriate to bear the name that has contributed and legacy (sic) in our country to make the Philippines a center of international and domestic air travel, who has instituted and built or conceptualized the project in making pride (sic) of our country,” dagdag niya pa.

naia 1
Ninoy Aquino International Airport

Ngunit ayon kay Derek ay mas mainam na mas pagkaabalahan ng gobyerno ang pagandahin ang mga paliparan sa Pilipinas imbis na baguhin ang pangalan ng NAIA.

Naniniwala kasi ang aktor na kung mas maganda ang paliparan sa bansa ay mas madaming banyaga ang hahanga sa Pilipinas.

Isa sa mga ibinigay nitong halimbawa ay ang bagong Mactan-Cebu International Airport na isa sa mga maituturing na pinakamagandang paliparan sa mundo.

mactan airpot
Mactan-Cebu International Airport

“I think we should focus more on making our airport something we can be proud of. I don’t think anyone wants their name to be used for the airport we have.” ani Derek.

“Our airport reflects us and it’s the first thing foreigners see. We need to take more pride in building a better airport like the terminal in cebu!” dagdag niya pa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular