Home Celebrities Dating Wowowee dancer, hindi pabor na ipangalan kay Marcos ang NAIA: “It will only divide us”

Dating Wowowee dancer, hindi pabor na ipangalan kay Marcos ang NAIA: “It will only divide us”

0

Naniniwala ang dating dancer ng Wowowee na si RR Enriquez na oras na upang palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Matatandaan na may ilang panukala na isinusulong ang mga mambabatas na baguhin na ang pangalan ng NAIA na ipinangalan kay dating Senador Ninoy Aquino na isa sa mga pinakamatinding katunggali ng pamilya Marcos.

Ngunit nilinaw ni RR na pabor siya sa isinusulong ng isang kongresista na ipangalan ang paliparan kay dating pangulong Ferdinand Marcos Sr. na ama ni Presidente Bongbong Marcos.

“In my own honest opinion since we want to portray the image of unity maybe let’s not put the name Marcos International Aiport coz it will only divide us,” ani RR.

“Kasi madami pa din hindi mag aagree. Madami din may ayaw ng Ninoy Aquino International airport… Kaya tanggalin na talaga ng wala na tayo pinagtatalunan.” dagdag niya pa.

Biro naman nito ay ipangalan na lamang sa kanya ang paliparan para walang away.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rr Enriquez (@rr.enriquez)

Matatandaan na ilang senador din ang kumontra na ipangalan kay Marcos ang nasabing paliparan.

Ayon sa kanila ay kung papalitan ito ay mas mainam na gawin na lamang itong Manila International Airport na lumang pangalan ng paliparan.

Ilang miyembro namna ng oposisyon ang kontra na palitan ang pangalan ng NAIA dahil sa maituturing na bayani si Aquino na dapat ay alalahanin habambuhay ng publiko.

 

Facebook Comments