HomeUncategorizedCitizen Duterte, nakatanggap ng relo na nagkakahalaga ng 2-M pesos mula sa...

Citizen Duterte, nakatanggap ng relo na nagkakahalaga ng 2-M pesos mula sa mga tagasuporta niya

Ibinahagi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles at ng manunulat na si Krizette Laureta Chu ang pagbibigay nila ng regalo nila kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Nitong Hulyo 18, ipinakita ni Cruz-Angeles ang regalong relo nila kay Duterte na pinondohan ng nag-viral na fundraising noong Hunyo 30 na ‘Watch Me Neyney’.

Matatandaan na umabot sa $140,000 o 7,886,200 pesos ang naipon ng nasabing fundraising.

watch me neyney
Larawan mula kay Krizette Laureta Chu

Tinawag naman noong ‘iligal’ ng mamamahayag na si Raissa Robles ang nasabing fundraising ngunit hindi na lamang ito pinansin ng mga tagasuporta ng dating pangulo.

READ MORE:  Raissa Robles, sinabing iligal ang ginagawang fundraising ng mga DDS para kay Pangulong Duterte  

Ayon sa press secretary ay ang ibinigay nilang relo ay ang Breguet Classique Day Date Moonphase 7337BB/Y5/9VU na nagkakahalaga ng 1.9-M hanggang 2-M pesos sa ilang websites.

Ikinatuwa naman ng dating Pangulo ang ibinigay sa kanyang regalo ng kanyang mga tagasuporta.

“I do not have a way of knowing who the persons who contributed to buy this watch for me. But I just, I would just like to say that dumating ito sa akin because of my, maybe my work as president,” wika ng dating pangulo.

“So, I’d like to thank the Filipino people for making me president and for those guys who think that I should be rewarded for something material to remember by the days […] nung naging presidente ako,” dagdag niya pa.

Hindi naman daw isusuot ng pangulo ang nasabing relo sa kanyang pagmomotor lalo na’t mamahalin ito.

Ngunit nangako siya na isosoot ito sa mga espesyal na okasyon.

Maliban sa relo ay ibinigay din ng grupo nila Cruz-Angeles at Chu ang cheque na nagkakahalaga ng limang milyong piso na donasyon nila para sa House of Hope Foundation na laging binibisita ni Duterte.

screencap 2022 07 18 at 4.07.29 PM
Larawan mula kay Krizette Laureta Chu

Sa ngayon ay umabot na ng libo libong shares sa social media ang mga post tungkol sa nasabing event.

 

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular