HomeCelebritiesBeteranong aktor na si Pen Medina, hindi na makalakad dahil sa kanyang...

Beteranong aktor na si Pen Medina, hindi na makalakad dahil sa kanyang karamdaman

Ibinahagi ng pamilya ni Pen Medina ang kalagayan ng beteranong aktor matapos itong tamaan ng isang degenerative disc disease na naging dahilan upang sa hindi na ito makagalaw ng maayos.

Sa ilang video ay makikita si Pen habang dumaraan sa therapy at mapapansin na hindi na nakakalakad ang aktor na nakilala sa kanyang role sa Encantadia noong 2005 bilang “Hagorn”.

Dahil sa kanyang karamdaman ay naka-schedule na operahan sa spine ang aktor upang subukan na maibalik ang kanyang normal na paggalaw.

Humihingi naman ng tulong ang pamilya Medina dahil sa naubos na ang ipon ng aktor dahil sa kanyang karamdaman.

“We are trying to help him as best as we can but it will be a long road to sufficient recovery for him,” ayon sa pamilya Medina.

“We humbly appeal for your charitable help and prayers as our family navigates through helping him get back on his feet — literally and figuratively.” dagdag pa nila.

Agad naman tumulong ang showbusiness sa kanilang kasamahan.

Ilan sa mga nagpadala ng kanilang suporta ay sina Jake Cuenca, John Arcilla at manunulat ng Encantadia na si Suzette Doctolero.

Sa mga gustong tumulong ay maari lamang niyong ipadala sa mga sumusunod na bank account ang inyong donasyon:

BPI
4539 0752 12
Kathleen Medina

UNIONBANK
109 423 983 730
Kathleen Medina

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular