Home Celebrities Willie Revillame, isa ng ganap na ‘Capamella’ matapos itong pumirma ng kontrata sa AMBS2

Willie Revillame, isa ng ganap na ‘Capamella’ matapos itong pumirma ng kontrata sa AMBS2

0

Siguradong sigurado na ang pagiging ‘Capamella’ ng television host na si Willie Revillame matapos ang kanyang pagpirma ng kontrata sa AMBS2 na pagmamay-ari ni Manny Villar.

Sa kanyang video nitong Hulyo 15 ay ibinahagi ni Revillame ang kanyang pagpirma ng kontrata sa nasabng network kasama si AMBS President Maribeth C. Tolentino at legal counsel ng nasabing channel na si Atty. TJ Mendoza.

Hindi naman nakalimot magpasalamat ni Revillame sa ABS-CBN, TV5 at GMA na naging tahanan niya ng ilang taon.

Makikita din sa background ang magiging logo ang AMBS at ang slogan nito na “your new network”.

“Yes, ito na ang bagong bahay ng ‘Wowowin,’ ang AMBS, your network. Ang maganda, hindi lang ‘Wowowin’ ang makikita dito. Marami pang ibang parating na programa. Mga quality at magagandang programa na ang ilan e ‘yung makapagtuturo din sa mga bata…” pahayag ni Kuya Wil.

Itinanggi naman ng host na may mga nakuha na silang talent mula sa iba’t ibang network.

“Wala pa kaming artista. May mga kinakausap pa lang. Pero, siyempre, hindi pa namin pwedeng i-reveal. Huwag ninyong paniwalaan ‘yung mga lumalabas na balita. Fake news ‘yun.” sabi pa niya.

Sinigurado din ni Revillame na madami ang mabibigyan ng trabaho sa pagbubukas ng nasabing network.

 

Facebook Comments