Home Social Media Piñol may opinyon tungkol sa 4Ps: Hindi na nagtatrabaho ang mga tao, naghihintay nalang sila sa kanilang allowances

Piñol may opinyon tungkol sa 4Ps: Hindi na nagtatrabaho ang mga tao, naghihintay nalang sila sa kanilang allowances

0

Naniniwala si dating Agriculture Secretary Manny Piñol na mas maganda kung hindi na pera ang ibibigay ng gobyerno sa mga beneficiary ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4PS).

Sa kanyang pahayag, sinabi niya na imbis na mamahagi ng bilyon bilyong piso ang gobyerno ay sana’y gawin na lamang “livelihood funding” ang nasabing pondo para naman mapakaganda ang estado ng agrikultura sa bansa.

“I’m the most vocal critic of this program of the government. [It] is spending P70 billion annually [for 4Ps], which is bigger than the budget of the DA.” ani Piñol.

“In fact, what I am saying is the 4Ps could be another program that could contribute to agricultural productivity if used properly. Instead of giving in forms dole-out every month, why don’t we start a livelihood program using that money?” dagdag pa nito.

Mga beneficiary ng 4Ps habang pumipila para matanggap ang kanilang allowance

Ayon kay Piñol ay ang sistema ng 4Ps ang nagiging dahilan kung bakit may ilang mahihirap ang nagiging tamad na magtrabaho dahil sa may inaasahan na silang pera na darating sa kanila.

“People are not working anymore, and they are just waiting for their allowances. In fact, for years the 4Ps did not result in anything. Worse, the work force in the agriculture sector has been reduced because of it,” sabi ni Piñol sa panayam sa kanya ng mga reporter.

Alam din ni Piñol na nagagamit lamang ang 4Ps sa politika lalo na kapag eleksyon.

Facebook Comments