Home Celebrities Michelle Fox, mga netizens sa trailer ng “Maid in Malacañang”: “Nakakakilabot!”

Michelle Fox, mga netizens sa trailer ng “Maid in Malacañang”: “Nakakakilabot!”

0

Inulan ng iba’t ibang reaksyon ang unang trailer ng pelikulang Maid in Malacañang ni Direk Darryl Yap.

Nitong Hulyo 17, ipinasilip ni Yap sa kanilang mga social media pages ang ilan sa mga eksena ng kontrobersyal na proyekto nila tungkol sa huling 72 oras ng pamilya Marcos sa Malacañang.

Makikita rin ang tumataas na tensyon sa pagitan ng mga Marcos sa nasabing pelikula.

Ipinakita rin sa nasabing trailer ang pagtatalo sa pagitan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at ngayo’y Presidente Bongbong Marcos na diumano’y gusto pang ipaglaban ang kanilang administrasyon sa gitna ng protesta ng mga tao.

Ilang celebrities naman at netizens ang hindi napigilan na magbigay ng kanilang komento sa nasabing pelikula.

“Grabe ang galing ng mga napiling artista. Nakakaiyak at Nakakakilabot yung movie. Can’t wait to watch!” sabi ni Michelle Fox.

“Ang ganda, napaka-high class ng editing and the acting is also really good. Job well done. Take note, trailer pa lang ‘yan pero exciting na.” wika ni Chris Bendoy.

“Nakakapanindig balahibo! Trailer palang grabe na. Nakakaiyak! Nakakaexcite panoorin ang buong movie The other side of the story of the Marcos Family! Ito ang matagal na nating inaantay! Thank you Direk Daryl Yap,” komento ni Raffy Ardemil.

Inaasahan na ipapalabas ang Maid in Malacañang ngayong buwan.

 

Facebook Comments