HomeCelebritiesMariel at Robin, inilibre ng trip to Balesin ni Pampanga Rep. Gloria...

Mariel at Robin, inilibre ng trip to Balesin ni Pampanga Rep. Gloria Arroyo

Todo ang pasasalamat ni Mariel Rodriguez sa regalo sa kanila ni Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na trip to Balesin.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Mariel ang mga larawan ng kanilang trip sa mamahaling resort kasama ang kanyang asawa na si Senador Robin Padilla at pamilya Arroyo.

Ayon kay Mariel ay regalo sa kanila ito ni GMA dahil sa pagkapanalo ni Robin sa halalan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by mariel padilla (@marieltpadilla)

“We had an unforgettable vacation with the Arroyos. Sir FG and Madame PGMA’s treat for Robin because he won. Baliktad because kami ang nagpapasalamat sa kanila. Big big help in Luzon, Visayas and Mindanao. They organized rallies and meetings for Robin because wala naman kaming means mag ganun. They did all that with nothing in return they just believe and want to help Robin out.” kwento ni Mariel.

“Super nilang bait, super down to earth ng buong pamilya. Akala mo nakaka intimidate pero lahat sila as in lahat sila super bait!!! Most important is the wisdom they shared and continue to share with us. We are so grateful.” dagdag niya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by mariel padilla (@marieltpadilla)

Hindi naman nakaiwas sa kontrobersiya ang post ni Mariel lalo na’t nagkakahalaga ng 2.5-M hanggang 6.5-M pesos ang membership sa Balesin.

“There is no such thing as free lunch.” ani @pinaynapinaydemimay.

May ilan din na sinabi na maaring nilabag ni Robin ang batas dahil sa pagtanggap nito ng regalo mula kay GMA.

screencap 2022 07 17 at 2.56.33 PM

screencap 2022 07 17 at 2.56.41 PM

Ilang netizen naman ang sinabi na hindi naman kinakailangan magbayad ng membership nila Robin at Mariel lalo na’t posibleng miyembro na ang pamilya Arroyo sa nasabing resort.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular