Home Celebrities Aiko Melendez humingi ng tulong sa psychic upang matignan kung biktima ng ‘kulam’ si Kris Aquino

Aiko Melendez humingi ng tulong sa psychic upang matignan kung biktima ng ‘kulam’ si Kris Aquino

0

Maliban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay napag-usapan din ng aktres na si Aiko melendez at psychic na si Jovi Vargas ang kalagayan ni Queen of all Media Kris Aquino.

Sa kanilang episode, naniniwala si Jovi na sana’y iwasan na muna ni Kris ang pagsali sa mga isyu lalo na pagdating sa politika upang matutukan ang kanyang kalusugan.

“’Yung friend natin si Kris na naging paborito rin niya tayo. Para sa akin mas tutukan na lang niya muna ‘yung health issue niya kaysa sa makialam pa siya sa mga isyu ng politics, sa showbiz.” payo ng manghuhula.

“Mas gusto kong bigyan niya muna (ng panahon) ‘yung katawan niya although hindi ko naman maiaalis kung maniniwala sila o ang iba (tao) na kahit ako kung paniniwalaan ko ba ‘yung sinasabing nandoon daw siya sa sitwasyon na kulam,” dagdag niya pa.

Napatanong naman si Aiko kung nakulam nga ba si Kris kaya’t hindi magamot gamot ang kanyang karamdaman.

Paniwala naman ng psychic ay hindi nabiktima ng kulam ang host.

“Well, sakit naman talaga hindi naman dahil sa kulam. Kailangan talagang makakita ng lunas sa sakit niya pero sa akin medyo bumibigay na ‘yung katawan niya, eh.” sabi ng psychic.

Matatandaan na sinabi noon ng kolumnista na si Cristy Fermin na pumunta muna si Kris sa albularyo dahil baka siya ay nabiktima ng masamang elemento.

Ilang vlogger din noon ang nagsabi na posibleng kinulam nga si Kris.

Sa ngayon ay nasa Amerika parin si Kris upang magpagamot matapos mabigo ang mga doktor sa Pilipinas na gamutin siya.

Facebook Comments