HomeCelebritiesPinagdadamot ni Kris! James Yap, ilang beses diumanong napahiya matapos subukan na...

Pinagdadamot ni Kris! James Yap, ilang beses diumanong napahiya matapos subukan na bisitahin si Bimby

Ibinahagi ng kolumnista na si Cristy Fermin ang diumano’y pahirapang pagsubok ni James Yap na makita ang kanyang anak kay Kris Aquino na si Bimby.

Sa kanyang programang “Showbiz Now Na” ibinahagi nina ‘Nay Cristy na nagkaroon ng visitation rights ang dating PBA star kay Bimby matapos ang mapait na hiwalayan nila ni Kris.

Ngunit ayon sa source ng kolumnista ay hindi ito tinupad ni Kris.

“Meron akong nakausap na source na talagang hindi puwedeng gawin iyon ni James Yap kasi nga ‘yung mga naganap nu’ng una buhat nang magkahiwalay sila (ni Kris), ang usapan kasi sa korte may visitation rights itong si James ‘Yap kay Bimby,” kwento ni Cristy.

“Kapag tumatawag daw si James doon sa yaya ni Bimby ay sinasabi pala sa kanya na, ‘ay hindi po kami puwede, hindi ninyo puwedeng kunin si Bimby may nauna na po kaming pupuntahan,’ parating ganu’n,” dagdag pa niya.

Napilitan na lamang diumanong hindi na sundan pa ni James ang pagsubok na kausapin ang kanyang anak dahil sa napapahiya lamang ito.

“Kung lagi kang napapahiya nanaisin mo pa bang tumawag ulit para mapahiya ka na naman, may pride naman ang bawat tao, di ba?” sabi pa ng kolumnista.

Sa ngayon ay wala pang tugon si Kris sa mga inulat ng kolumnista.

Nagpapagaling ngayon sa Amerika ang tinaguriang Queen of all Media at malayo ito sa kanyang mga anak.

Kaya naman inihabilin na lamang ni Kris ang mga anak niya sa mga kapatid niya imbis na sa mga ama nito.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular