HomeCelebritiesPamilya ni Pen Medina, kumakatok sa puso ng mga netizens: "We humbly...

Pamilya ni Pen Medina, kumakatok sa puso ng mga netizens: “We humbly appeal for your charitable help,”

Kumakatakot ngayon sa puso ng mga netizens ang pamilya ng beteranong aktor na si Pen Medina dahil sa lumalala nitong kondisyon.

Ayon sa pamilya Medina ay mayroong degenerative disc disease ang aktor at nangangailangan na maoperahan ito sa kanyang spine sa lalong madaling panahon.

Sa kabutihang palad ay naka-schedule na ito sa operasyon sa Martes, Hulyo 19.

Ngunit ayon sa kanila ay naubos na ang ipon ng aktor lalo na’t naapektuhan ng pandemya ang kanyang career.

Dahil dito ay humihingi sila ng donasyon at dasal mula sa mga netizens.

“We are trying to help him as best as we can but it will be a long road to sufficient recovery for him,” ayon sa pamilya Medina.

“We humbly appeal for your charitable help and prayers as our family navigates through helping him get back on his feet — literally and figuratively.” dagdag pa nila.

Sa mga gustong magbigay ng donasyon sa aktor ay maaring bisitahin ang Instagram page ng aktor @penmedina.

Nagpakita naman ng suporta ang mga kasamahan ni Medina sa showbusiness na sina Nikki Valdez, John Arcilla, Jake Cuenca at ang direktor na si Suzette Doctolero.

Ilang fans din ang nagdasal para sa aktor na nakilala sa kanyang role bilang “Hagorn” sa Encantadia noong 2005.

“I wish for God to extend his life and restore his health. He is an underrated actor. I think he is one of the best actors out there whose talent is not recognized and awarded accordingly. May your dad get well, soonest,” sabi ng isa sa mga fan ni Medina.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular