Home Celebrities Mga taksil! Victor Consunji, nagsampa ng kasong adultery laban kay Maggie Wilson at sa business partner nito

Mga taksil! Victor Consunji, nagsampa ng kasong adultery laban kay Maggie Wilson at sa business partner nito

0

Nagsampa ng kasong ‘adultery’ ang negosyante na si Victor Consunji laban sa kanyang dating asawa na si Maggie Wilson.

Ito’y sa gitna ng pakikipag-relasyon ni Maggie sa kanyang ‘business partner’ na si Tim Connor.

Ayon sa reklamo ni Consunji ay nagkaroon ng relasyon si Maggie at Tim at may nangyari diumano sa dalawa nitong Disyembre 2021, Enero 2022 at Pebrero 2022 kahit na kasal na ang aktres at tv host sa negosyante.

Naglabas narin ng warrant ang Taguig Metropolitan Trial Court laban kay Maggie at kay Tim dahil sa  tatlong counts ng adultery.

Maaari namang makapag-piyansa ang dalawa sa halagang 36,000 bawait isa.

Samantala ay nag-viral naman sa social media ang aktres matapos niyang ibahagi sa social media ang diumano’y pagpasok ng mga tauhan ni Consunji sa kanyang tahanan ng walang pahintulot.

“Since pag-aari po ito ng DMCI, ise-secure po namin. Ang gagawin lang po namin, papalitan lang po namin ang padlock at kung ano man po ’yung mga gamit na nasa loob kung hindi man po sa amin, ay pwede pong doon tayo sa opisina para makuha,” ayon sa Vice President ng VCDC.

Humingi naman ng tulong ang aktres sa gobyerno na sana’y huwag nilang hayaan na magawa ni Consunji ang gusto niya.

“I urge our government and others to please step in and do something immediately.” sabi niya pa.

 

Facebook Comments