HomeCelebritiesMariyela Hugo, hindi naniniwala na hindi sinasadya ni Jayvee Ayen ang pangongopya...

Mariyela Hugo, hindi naniniwala na hindi sinasadya ni Jayvee Ayen ang pangongopya ng talumpati niya

Sa unang pagkakataon ay nagsalita na ang Far East University (FEU) Batch 2019 valedictorian na kinopyahan ng talumpati ng isang magna cum laude sa Camarines Sur.

Matatandaan na nag-viral sa social media ang pagkakapareho ng talumpati ni Camarines Sur Polytechnic Colleges magna cum laude Jayvee Ayen at ni Mariyela Mari Hugo ng FEU.

Sa panayam sa kanya ng official student publication ng FEU-Manila ay sinabi ni Hugo na dapat man lang ay binanggit ni Ayen kung saan niya nakuha ang talumpati niya.

“Borrowed ideas, even inspirations, should be cited or at the very least, acknowledged. I hope that this issue serves as reminder to everyone to review and uphold their standards,” ani Hugo.

Hindi rin siya kumbinsido na hindi sinasadya ni Ayen ang kanyang ginawang pangongopya.

Ayon kasi kay Ayen at sa eskwelahan niya ay hindi diumano sinasadya ang nangyaring ‘plagiarism’.

“One does not simply unintentionally create a similar copy of one’s speech, especially if the resulting structure used are the same as the original. One’s mind cannot carelessly wander while their hands inadvertently transcribe what is heard.” sabi pa niya.

“At a young age, I was already taught that numerical grades are not the be-all and end-all of one’s academic life. FEU solidified that belief by teaching me that it is okay not always to have the perfect piece to submit and that it is better than copying and pasting another person’s work,” dagdag niya pa.

Samantala ay hiniling naman ng unibersidad ni Ayen na sana’y tigilan na ang pambabatikos ng mga netizens sa kanilang graduate.

“We knock on the generosity of hearts of everyone to allow this to pass without hatred towards the person as he moves on to start a career in his life as an entrepreneur or whatever path he would wish to take. We offer a reconciliatory gesture to Ms. Hugo and all others for the gap this issue has created.” pakiusap nila.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular