HomeCelebritiesMaggie Wilson, inalok ng 'asylum' diumano'y iba't ibang bansa sa gitna ng...

Maggie Wilson, inalok ng ‘asylum’ diumano’y iba’t ibang bansa sa gitna ng away nila ni Victor Consunji

Nagpasalamat ang aktres at television host na si Maggie Wilson sa diumano’y natanggap niyang mga alok mula sa mga makakapangyarihang tao, politiko, international lawyers at iba’t ibang bansa.

Ito’y matapos subukan diumano ng kanyang dating asawa na si Victor Consunji na paalisin sila sa kanilang tirahan nitong Hulyo 15.

Ayon kasi sa DMCI na kumpanya nila Consunji ay pagmamay-ari nila ang bahay nila Wilson kaya’t may karapatan sila na palitan ang “padlock” nito.

“Since pag-aari po ito ng DMCI, ise-secure po namin. Ang gagawin lang po namin, papalitan lang po namin ang padlock. At kung ano man po yung mga gamit na nasa loob, kung hindi man po sa amin, ay puwede pong doon tayo sa opisina para makuha,” sabi ng representante ni Consunji kila Wilson.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Wilson na may ilan ding bansa ang inalok siya ng ‘asylum’ upang maprotektahan siya sa kanyang maimpluwensiya at mayamang asawa.

Matatandaan na kinasuhan ni Consunji si Wilson ng adultery dahil sa pakikipagrelasyon diumano ng host sa kanyang business partner na si Tim Connor.

May ilan din daw na mga human rights group na handa siyang tulungan.

“So humbled to know that so many politicians, international governments (offering asylum), international lawyers, and human rights group for supporting me and reaching out privately. We’ve got this, together. I will help bring change and be a voice for every woman going through the same thing I am in the Philippines,” sabi ni Wilson.

maggie wilson instagram

Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng pahayag si Consunji.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular