Home Celebrities Maggie Wilson, humingi ng tulong sa gobyerno: Please step in and do something immediately”

Maggie Wilson, humingi ng tulong sa gobyerno: Please step in and do something immediately”

0

Humingi ng tulong ang aktres at television host na si Maggie Wilson sa gobyerno sa gitna ng away nila ng kanyang dating partner na si Victor Consunji.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Wilson na dapat ay gumawa na ng aksyon ang gobyerno matapos puntahan ng mga representante ng kanyang dating asawa ang kanilang tahanan upang palitan ito ng “padlock”.

Matatandaan na binisita ni VDVC Vice President Bernie Mendoza at ilang mga opisyal ang bahay ni Wilson.

“Nakikiusap po kami since pag-aari ito ng DMCI ay ise-secure po namin. Ang gagawin lang po namin ay papalitan namin ang padlock at kung ano man po yung mga gamit sa loob, kung hindi man po sa amin ay (inaudible) sa opisina para po makuha,” sabi ni Mendoza kay Wilson.

Dahil dito ay hindi naitago ni Wilson ang pag-aalala sa kanilang buhay at hiniling nito ang tulong ng gobyerno.

“I am scared for mine and my family’s life. I urge our government and others to please step in and do something immediately.” ani Wilson.

“I plead with you and the online community to help me raise awareness that this kind of human rights harassment happens in the Philippines, especially to women day in and day out,” dagdag niya pa.

Naglabas din ng pahayag ang abogado ni Wilson at sinabi na ginagamit ni Consunji ang kanyang kapangyarihan para labanan ang dati niyang asawa.

Hindi pa naglalabas ng pahayag si Consunji tungkol sa isyu.

Nitong nakaraang araw lamang ay lumabas sa mga pahayagan ang pagsasampa ng kaso ng negosyante laban kay Wilson dahil diumano’y pinagtaksilan siya nito.

READ MORE: Mga taksil! Victor Consunji, nagsampa ng kasong adultery laban kay Maggie Wilson at sa business partner nito

Ayon sa akusasyon ni Consunji ay nakipagrelasyon si Wilson sa kanyang business partner kahit na sila ay kasal pa.

 

Facebook Comments