HomeCelebritiesCitizen Duterte, pinagkaguluhan matapos subukang mag-mall sa Davao City

Citizen Duterte, pinagkaguluhan matapos subukang mag-mall sa Davao City

Kahit ang mismong mga kababayan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City ay tila na-starstruck parin kapag nakikita ang kanilang dating alkalde.

Nitong Hulyo 16 ay pinagkaguluhan ng mga tao si ‘Citizen Digong’ matapos nitong subukan na mag-mall sa Abreeza sa nasabing siyudad.

duterte abreeza
Larawan mula kay Curtis NekkahGame naman na nagpakuha ng litrato ang dating pangulo sa kanyang mga fans.

curtis nekkah 1

Bumisita rin ito sa isang bilihan ng damit ngunit mahahalata na sinundan parin siya ng mga tao.

mer yamm 1
Larawan mula kay netizen Mer Yamm

Isang netizen naman ang nagbigay ng karagdagang impormasyon tungkol sa pagbisita ni CRRD sa nasabing mall.

“Akala ko may artista dito sa Abreeza dahil parang may pinagkakaguluhan mga tao dito. Nag malling pala si PRRD. Kawawa nga kasi hindi makabili nang maayos kasi pinagkakaguluhan ng mga tao sa mall.” sabi ni netizen Che Palicte sa salitang Cebuano.

che palicte
Screencap ng post mula kay Che Palicte

Ilang tagasuporta naman ng dating pangulo ang naniniwala na hindi na makakabalik sa normal na pamumuhay si Duterte.

Mabuti na lamang daw at andyan parin ang Presidential Security Group (PSG) upang bantayan parin ang dating pangulo.

“Sadly… i don’t think he’ll be able to go back to his pre-president life… he’s just too remarkable!” komento ni netizen KC Alanes.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular