HomeCelebritiesPsychic na si Jovi Vargas, sinabing may magpapatalsik kay PBBM: "Dapat siyang...

Psychic na si Jovi Vargas, sinabing may magpapatalsik kay PBBM: “Dapat siyang mag-ingat”

Isang fortune teller ang pinayuhan si Pangulong Bongbong Marcos na mag-doble ingat dahil nakikita nito na posibleng hindi niya matapos ang kanyang termino.

Sa vlog ng aktres na si Aiko Melendez, ibinahagi ni Jovi Vargas na nakikita niya sa kanyang vision na mayroong isang lalaki at isang babae na gagawin ang lahat upang mapatalsik si Marcos.

“Patuloy kong nakikita ang pag-iingat muna sa isang personalidad na isang babae na meron din isang lalaki… Hanapan ng butas, hanapan ng paraan upang siya tanggalin.” ani Jovi.

“Pero I hope hindi magtagumpay. Yun ang dapat gawan ng paraan ngayon ng nakaupo na maging maingat. Gagawa at gagawa ng paraan upang bigyan ng isyu ang Presidente Bongbong Marcos upang siya tanggalin.” dagdag niya pa.

jovi 1
Aiko Melendez kasama si Jovi Vargas

Nakikita rin ng manghuhula na ang susunod na magiging pangulo ay si Vice President Sara Duterte.

“Nakikita ko rin naman na susunod niya rin naman ang magiging susunod na President ng Pilipinas, si Sara.” hula pa nito.

Si Jovi ang isa sa mga nakahula noon na si Marcos ang mananalo sa halalan.

Matatandaan na ilang linggo na ang nakakaraan ay sinabi ng Historian na si Ambeth Ocampo na lahat ng pangulo na nanumpa sa National Museum kung saan ginanap ang inagurasyon ni Marcos ay hindi natapos ang kanilang termino.

Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng pahayag ang palasyo sa babala ng manghuhula.

Ilang mga tagasuporta naman ni BBM ang sinabi na sana’y hindi matupad ang hula ni Jovi.

“Sana Huwag naman! God is good. Bless BBM SARA and everybody,” sabi ni Benita Bayle.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular