HomeCelebritiesDaming naniwala! Socrates Villegas, binatikos matapos bawiin ang pagdating ni Pope Francis

Daming naniwala! Socrates Villegas, binatikos matapos bawiin ang pagdating ni Pope Francis

Hindi naitago ng ilang netizens ang pagkadismaya matapos bawiin ni Lingayen Archbishop Socrates Villegas ang kanyang anunsyo tungkol sa pagbisita diumano ni Pope Francis sa Pilipinas.

Matatandaan na nitong Hulyo 15 ay ibinahagi ni Villegas ang isang larawan kung saan ay marami ang naniwala na darating ang Santo Papa sa Pilipinas ngayong darating na Agosto 4.

“The POPE is coming to DAGUPAN,” ani Villegas.

Umabot na libo libong shares sa social media ang nasabing post at ibinalita rin ito ng ilang major news outlet.

294102688 5371490236231826 5242634077768889985 n
Screencap ng ngayo’y burado ng post ni Soc Villegas

Ngunit bigla na lamang binura ni Villegas ang nasabing post upang itama ang impormasyon na kanyang ibinahagi.

Dito na itinama ni Villegas ang kanyang balita at sinabi na hindi si Pope Francis ang pupunta kundi ang Apostolic Nuncio to the Philippines Charles John Brown.

Si Brown ang nagre-representa sa Santo Papa sa Pilipinas.

charles brown

Hindi naman naitago ng mga netizens ang kanilang panghihinayang dahil akala nila ay masisilayan na nila ang Santo Papa na huling pumunta sa Pilipinas noong 2015 upang bisitahin ang mga biktima ng Bagyong Yolanda.

Essentially, whoever handles Soc Villegas‘ account messed up,” ani @lelanddelacruz.

“Misleading si bishop soc… anyways Stay blessed Lingayen!” komento ni Jennel Cheng.

Pero may ilan naman na ipinagtanggol si ang arsobispo.

“According to our Church Teachings the Apostolic Nuncio or Papal Nuncio is the Official Representative of the Pope. So the Visit of the Papal Nuncio is the Visit of the Pope.” wika ni Dondee Glodove.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular