HomeCelebritiesCitizen Duterte, balik sa simpleng pamumuhay matapos ang termino bilang Pangulo

Citizen Duterte, balik sa simpleng pamumuhay matapos ang termino bilang Pangulo

Balik sa simpleng pamumuhay si dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang anim na taong termino nito.

Sa ilang larawan at video na kumakalat sa social media ay ipinasilip kung ano na nga ba ang buhay ni Duterte na isa sa mga pinaka-kontrobersyal ngunit pinagkakatiwalaan na lider sa kasaysayan ng bansa.

Makikita sa larawan na ibinahagi ng page na Daily Duterte na maaring mabisita ng ilang tagasuporta ang pangulo sa kanyang tahanan sa Davao City.

Ibinahagi naman ni netizen MJ Quiambao Reyes ang motor na ginagamit ng dating pangulo.

Sinabi na ni Duterte noon na babalik siya sa kanyang libangan na paglilibot sa iba’t ibang lugar gamit ang kanyang motorsiklo.

Sa upload naman ni @boy_vipguarddriver na isa sa mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG) ay makikita si Duterte habang kausap ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sebastian Duterte.

Ibinahagi din niya na permanente ng makakatanggap ng serbisyo ng PSG ang dating Pangulo upang maproteksyonan ito.

@boy_vipguarddriver♬ (Simply) The Best – Jimmy Barnes

Sa ngayon ay hindi pa malaman kung ano ang mga magiging plano ng pangulo.

Ayon sa dating aide ni Duterte na si Sen. Christopher “Bong” Go ay interesado ang dating lider na magtrabaho sa kanyang opisina sa senado.

May ilan ding balita na nagbabalak bumalik sa pagtuturo si Duterte.

Hindi naman maiwasan ng mga netizens na mag-isip kung magbabalik pa ba ito sa politika lalo na’t napabalita ang pabisita ni Pampanga Rep. at dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang tahanan.

Wala pang pahayag ang dating pangulo sa kanyang mga binabalak sa mga susunod na araw.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular