Home Celebrities Acting mayor ng Dasmariñas tinawag na “karma” ang nangyayari ngayon kay Pokwang

Acting mayor ng Dasmariñas tinawag na “karma” ang nangyayari ngayon kay Pokwang

0

Prangka ang mga naging mensahe ng acting mayor ng Dasmariñas City na si Kiko Barzaga tungkol sa isyu ng hiwalayan ng komedyante na si Marietta Subong o mas kilala bilang Pokwang at aktor na si Lee O’Brian.

Nitong nakaraan lamang ay inanunsyo ni Pokwang ang hiwalayan nila ni O’Brian matapos ang pitong taon nilang relasyon.

Ayon nanaman kay Barzaga ay maaring ito na ang “karma” ni Pokwang dahil sa mga mensahe na binibitawan nito sa social media kasama na ang banat nito kay Ella Cruz.

Matatandaan na nag-viral sa social media ang pahayag ni Pokwang na ibabalik niya na sa dagat si Ella upang makakuha ito ng “iodin(e)”.

“Puro kasi bash si Pokwang kay Ella, nakarma tuloy.” sabi ni Barzaga.

Ilan sa mga followers ni Barzaga ang pabor sa sinabi ng alkalde.

“Wag kc tayong Mang bash Ng kahit cnu bad yun,” sabi ng isang netizen.

“Dapat lang hiwalayan panget na nga panget pa pati ugali ano pang matitira.. puro kasi pulitika ang tinututukan kaya ayan hiniwalayan si panget.” komento pa ng isang follower ng alkalde.

Sa ngayon ay wala pang tugon si Pokwang sa eksaktong post ni Barzaga ngunit nagbigay na ito ng komento sa mga tinawag na karma ang nangyari sa lovelife niya.

“Hindi po karma ang tawag dun nililinis ni God ang daanan ko patungo sa tamang tao!” ani Pokwang.

Sa ngayon ay magtutulong na lamang diumano si Pokwang at dating partner nito sa pagpapalaki ng kanilang anak.

Facebook Comments