HomeSocial MediaSalagubang, ipinangalan sa Angat Buhay ni Leni Robredo

Salagubang, ipinangalan sa Angat Buhay ni Leni Robredo

Hindi maitago ng mga tagasuporta ni dating Vice President Leni Robredo ang kanilang pagkagalak matapos ipangalan ang isang bagong diskubreng insekto sa NGO ng dating bise.

Inanunsyo ng Ateneo de Manila University na ipinangalan nila ang isa sa dalawa nilang nadiskubreng bagong species ng beetle sa Angat Buhay ni Robredo.

Mayroong scientific name na anacaena angatbuhay ang nasabing insekto.

Pinuri din ng Ateneo ang bise dahil sa mga nagawa diumano nito noong panahon ng krisis.

screencap 2022 07 14 at 3.49.25 PM

“Discovered in Ifugao, the first of the two new species is Anacaena angatbuhay, named after the Angat Buhay anti-poverty program launched during the term of former Vice President Leni Robredo,” pahayag ng unibersidad.

Nadiskubre ang nasabing insekto ng estudyante na si Enrico Gerard Sanchez.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Robredo sa panibagong tagumpay na nakuha ng kanilang bagong grupo.

Hati naman ang reaksyon ng mga netizens sa nasabing balita.

“How to stay relevant 101 69. Gumamit ng salagubang,” sabi ni Rey-An Moreno.
“This is about nature and it should be properly named. Do not make this good discovery a POLITICAL matter.” wika ni Lauraine Ferrer.
“O, e karapatan naman ng mga researchers kung anoman gusto nilang ipangalan sa kahit anong discovery nila, maliban sa kanilang sariling name.” komento ni Naida Pajarillaga.
Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular