HomeCelebritiesRowena Guanzon, pumalag kay Juliana Segovia matapos siya nitong tawaging "pangit"

Rowena Guanzon, pumalag kay Juliana Segovia matapos siya nitong tawaging “pangit”

Pumalag si P3PWD party-list Rep. Rowena Guanzon sa mga banat sa kanya ng komedyante na si Juliana Parizcova Segovia.

Matatandaan na tinawag na “pangit” ni Segovia si Guanzon sa gitna ng pakikipagtalo ng kongresista sa mga talent ng direktor na si Darryl Yap.

Isa si Segovia sa mga malalapit sa direktor kaya naman hindi nito napigilan na makisali na sa isyu.

“Alam mo kung bakit ZEROWENA ka?… kasi PANGIT KA,” banat ng komedyante na sumikat matapos maging grand winner ng ‘Miss Q&A’ segment ng It’s Showtime.

Nagbigay naman ng tugon si Guanzon at sinabi na mas pipiliin niya ng maging pangit kung ang mukha ni Segovia ang magiging basehan ng pagiging maganda.

guanzon parizcova 2

Sinagot naman ito ni Segovia at sinabi na hindi naman niya sinaabi na maganda siya.

Ang sinasabi lamang diumano niya ay “pangit” si Guanzon.

“Wala naman akong sinabing MAGANDA ako, sinabi ko lang PANGIT ka. Kilala ng Pangit ang Pangit, Kaya maniwala ka.” banat pa ng komedyante.

segovia 1

Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng tugon si Guanzon sa komedyante.

Matatandaan na naging viral din si Segovia dahil sa ibinuking ng ilang mga kritiko nito ang kanyang mga utang.

Nagtulong tulong naman ang mga fans niya sa pamamagitan ng isang fundraising para mabigyan ng pambayad ang komedyante sa kanyang mga utang.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular