HomeSportsParang Johnny Depp lang! PBA star Paul Desiderio, itinanggi na sinaktan niya...

Parang Johnny Depp lang! PBA star Paul Desiderio, itinanggi na sinaktan niya si Agatha Uvero

Mariing itinanggi ni Blackwater Bossing player Paul Desiderio ang mga akusasyon laban sa kanya ng kanyang dating fiancé na si ex-UAAP courtside reporter Agatha Uvero.

Matatandaan na ibinahagi ni Uvero sa kanyang social media post ang diumano’y pang-aabuso na ginagawa sa kanya ni Desiderio na naging dahilan ng kanilang hiwalayan.

“I’ve talked to Paul so many times but he kept telling me to do it, and said that if his career goes down, it’s my fault. I’m done with your gaslighting, Paul.” ani Uvero.

Mayroon din diumanong mga larawan si Uvero na makakapagpatunay sa kanyang mga alegasyon laban sa PBA star.

paul desiderio 1
Larawan mula kay Agatha Uvero

Ngunit nitong Hulyo 14 ay naglabas ng pahayag si Desiderio at sinabi na hindi niya magagawang saktan ang kanyang dating partner.

Sinabi din ng atleta na hindi siya nanakit ng kahit sinong naging partner niya na nauna pa kay Uvero.

“On July 13, 2022, my wife, Agatha Uvero, posted statements in social media against me. We
were together since November 2017 and separated last May 2022. We share a beautiful son,
Andres. Her social media allegation is unfortunate and sad, and most of all, untrue. I had hoped that we will be civil with each other after our separation, for the sake of our son.” ani Desiderio.

“I vehemently deny her allegations of abuse during our relationship. I have had relationships
prior to Ms. Uvero, and I also have a daughter from a previous relationship. I have never hurt a
woman, especially not the mother of my child.” dagdag niya pa.

Handa naman daw makipagtulungan si Desiderio sa PBA habang iniimbestigahan ang mga akusasyon ng dating reporter.

Haharapin din diumano nito ang alegasyon laban sa kanya kahit sa korte.

“I will fully cooperate with the PBA in the conduct of its investigation and I am confident that I will be absolved of the accusations hurled against me. I will also face any complaint against me in any forum.” sabi niya.

paul 2
Post mula kay Paul Desiderio

Samantala ay ikinumpara naman ng mga netizens ang isyu ng dalawa sa aktor na si Johnny Depp at dating partner nito na si Amber Heard.

Matatandaan na inakusahan din ni Amber ng kung ano ano ang international star ngunit napatunayan na hindi lahat ng sinasabi nito ay may katotohanan.

Inaabangan naman ng mga netizens kung magiging pareho rin ba ang resulta ng pagtatapos ng isyu ng PBA star at ng kanyang dating partner.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular