HomeCelebritiesJanno Gibbs may mensahe sa 31-M: Hindi lang kayo ang Pilipinas

Janno Gibbs may mensahe sa 31-M: Hindi lang kayo ang Pilipinas

Nagbigay ng mensahe ang aktor na si Janno Gibbs sa kanyang mga kritiko sa social media na ang karamihan ang mga tagasuporta ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa kanyang mensahe sa Instagram, sinabi ni Janno na hindi lamang ang 31-M na bumoto kay BBM ang bumubuo sa Pilipinas at mayroon pang ibang Pilipino na hindi katulad ng kanilang paniniwala.

Pinaalala din ng actor at singer na hindi lamang ang mga tagasuporta ni BBM ang kailangan paglingkuran ng bagong administrasyon.

“The elections are long over. There are no more sides now. We are all back to being just citizens. After all, the new govt’s victory or failure will be our country’s as well,” ani Janno.

“The call of PBBM is for Unity. So listen to him and stop referring to us as the other side. It seems you think the new govt should only serve those who voted for them,” dagdag niya pa.

“You are not the Philippines. We all are,” sabi pa nito.

screencap 2022 07 14 at 10.22.28 PM

Matatandaan na pinuputakti ng pambabatikos si Janno dahil sa kanyang mga komento tungkol sa ilang isyu ng bansa.

Hindi naman nagpatalo si Janno at nakipagsagutan din ito sa mga tagasuporta ni BBM nitong nakaraang kampanya.

“Sabi nyo ‘Wag nang bitter.’ Tanggapin nlang na Talo na. Move on na. Nung matalo si BBM as VP. Nag move on ba? Tinanggap ba niyo? Hindi. Nagprotesta at nagparecount ng 3X. Talo parin. So hayaan niyo kaming maging bitter. Kung nabaliktad ang resulta, pihado bitter din kayo. Let us grieve,” sabi ni Janno ng matalo ang kanilang manok nitong halalan.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular