HomeCelebritiesEx-MasterChef contestant Pebbles Cunanan, tinawag na "pink" si Judy Ann Santos

Ex-MasterChef contestant Pebbles Cunanan, tinawag na “pink” si Judy Ann Santos

Matapos mag trending sa social media ay sinagot ng dating contestant ng MasterChef Philippines na si Pebbles Cunanan ang mga pambabatikos na kanyang natanggap sa social media.

Matatandaan na nag-viral sa social media ang sagot ni Cunanan sa pahayag ni Judy Ann Santos kung saan ay sinabi ng aktres na ngayon ay isa ng chef na hirap siyang makaisip ng bagong iluluto para sa kanyang vlog dahil sa mahal ng presyo ng sangkap.

“Ang hirap kasing mag-isip ng mga episode especially kung ang pagtaas ng presyo ng bilihin ay napakalala. Ayaw kong maka-relate ‘yung viewers sa kung ano mang lutuin ‘yung gagawin ko kasi parang napaka-unfair naman ‘di ba?” paliwanag ng aktres.

Dito na binatikos ni Cunanan si Juday at sinabi na bilang chef ay dapat alam nito na maghanap ng alternatibong sangkap na mas mura para sa kanyang iluluto.

“Diskarte ghorl….mag-isip ka ng mga puede mong ipalit na ingredients juicemio….palibhasa sa mamahaling culinary school nag-aral eh….” ani Cunanan.

Nagbanggit din ito ng salitang “lugaw” na ang tingin ng ilan ay akusasyon ni Cunanan na si dating Vice President Leni Robredo ang sinuportahan ni Santos nitong nakaraang halalan.

READ MORE: Dating MasterChef contestant, pumalag kay Judy Ann Santos: “Palibhasa sa mamahaling culinary school nag-aral!”

Sa kanyang Facebook post sinagot ni Cunanan ang ilan sa mga pambabatikos na kanyang natanggap.

“Ano daw kuneksyon kay Leni? Kahit masakit ulo ko sasagutin ko…. Mga KAKAMPUCHANG INAMEZ, sa inyo ko natutunan ang pag-konek ng mga salita, pangyayari, pagkain, hayup at gamit sa isang tao. Di ba yan ang ginawa niyo kay BBM pati nga mga staff ng mga restaurant dinamay niyo dahil dun sa suot na damit ni BBM nung interview niya kay KORINA SANCHEZ.” ani Cunanan.

“Si Leni lang ba ang may kuneksyon sa lugaw? Yung kapitbahay naming nagtitinda ng lugaw Leni ang pangalan, hindi nga lang Robredochhh ang surname niya, ang surname niya is LUUTHANG….may lahing chinese kasi….” dagdag niya pa.

“Pink din naman si Juday mga atake niyo talaga “LANG KUWENTA”….” sabi pa nito.

Hindi naman malaman kung ang “pink” na sinasabi ni Cunanan ay akusasyon niya na isang Kakampink ang aktres.

Ibinahagi din nito na isa si Juday sa mga judge ng kanyang sinalihan na programa.

“Oo nga pala judge ko si Juday sa Masterchef Philippines….nakalimutan ko.” pagbabahagi niya.

“Kaya mo yan Chef Juday kami nga may 100 peso challenge sa Masterchef Philippines, tapos namili kami sa grocery hindi sa palengke kasi dun kami dinala sa grocery ng mga staff ng programa 100 peso challenge Tapos sa grocery kami namili pero natapos ko yung challenge ng maayos. May sukli pang 24 pesos,” dagdag niya pa.

Sa ngayon ay wala pang sagot ang aktres sa banat sa kanya ng dating MasterChef contestant.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular