HomeSocial MediaEskwelahan ng Cum Laude na nangopya ng talumpati may pakiusap sa netizens:...

Eskwelahan ng Cum Laude na nangopya ng talumpati may pakiusap sa netizens: “Please allow this to pass”

Nakiusap ang eskwelahan ng Magna Cum Laude na nangopya ng speech sa isang graduate noong 2019 na sana’y palampasin na lamang ng mga netizens ang isyu.

Sa kanilang pahayag, sinabi ng Camarines Sur Polytechnic Colleges na humingi na sila ng tawad kay Mariyela Hugo na kinopyahan ng talumpati ng kanilang magna na si Javee Ayen.

Iginiit naman nila na hindi sinasadya ni Ayen na kopyahin ang talumpati ni Hugo kahit na makikita sa ilang video na nagkalat sa social media na halos pareho ang mga salitang kanilang sinasambit.

“With all that has been said and done and on behalf of Mr. Jayvee Ayen, we apologize to Ms. Mariyela Mari C. Hugo for the carefree attitude of Mr. Ayen in unintentionally copying the idea and style of her speech without proper attribution.” pahayag ng eskwelahan.

Nakiusap din sila na palampasin na lamang ng mga netizens ang nasabing isyu ng walang namumuong galit at poot.

Ayon sa kanila ay ngayon pa lamang nag-uumpisa ang buhay ni Ayen bilang isang graduate kaya naman umaasa sila na magiging mabuti ang puso ng mga netizens sa kanya.

“We apologize to all other individuals and entities who may have been offended and affected by this issue. We knock on the generosity of hearts of everyone to allow this to pass without hatred towards the person as he moves on to start a career in his life as an entrepreneur or whatever path he would wish,” sambit pa nila.

293432009 4875592865998565 2832556566055239647 n

Sa ngayon ay hindi pa malaman kung anong aksyon ang gagawin ni Hugo laban kay Ayen.

Matatandaan na halata na hindi nagustuhan ni Hugo ang ginawang pangongopya ng Magna Cum Laude sa kanyang talumpati noong 2019.

 

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular